Tuesday, March 14, 2017

REPORMA SA LUPA

   -isang programang naglalayon na pagkalooban ng sariling lupa ang maliit na magsasaka. Ang paglilipat ng pagmamay-ari ng lupa ay isinasagawa ng programang ito.



MGA BATAS UKOL SA REPORMA SA LUPA

      -ito ay isang programang nakatuon sa progresibong  pamamalakad sa lupa sa pamamagitan ng pamamahagi ng lupa at pagbibigay ng tulong paglilingkod sa mga benepisyaryo upang mapabilis ang antas ng kaunlarang sa mga pook rural.



DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM 
   
     (ang nangungunang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng reporma sa lupa. Ito ang bumubuo ng mga patakaran, plano at programa na nauukol sa reporma sa lupa) 




LAND BANK OF  THE PHILIPPINES 
   (ang bangkong tumutugon sa pinansyal na pangangailangan ng programang reforma sa lupa)

  • 1902 LAND REGISTRATION ACT

     
      -sa panahong ito ipinanukala ng sistemang TORRENS noong panahon ng amerikano. Ito ay pagpapatala ng mga titulo sa lupa ng mga Pilipino. Ang TORRENS TITLE ang nagbigay-daan upang agawin ang lupang walang titulo na binubungkal ng mga magsasaka.

     
      -Grants of public land were brought under the operation of a Torrens system

     
      -Placed all public and private land under the Torrens system

  • 1903 PUBLIC LAND ACT
       -

    ito ay batas na nagbigay daan sa pamimigay ng mga lupang pampubliko sa mga pamilyang bumubungkal ng lupa na hindi hihigit sa 16 na ektarya.

  • TENANCY ACT NG 1933 (Batas Blg. 4054 at 4113),
        - ito ay batas na nagsasaayos ng ugnayan sa pagitan ng may-ari ng lupa at ang nagbubungkal ng lupa na tinatamnan ng palay (50-50 ang hatian) at lupain para sa tubo.

            -In 1946 Manuel Roxas proclaimed the Rice Share Tenancy Act of 1933 effective throughout the country

  • COMMONWEALTH ACT BLG. 178 (pag-ameyenda ng RICE TENANCY ACT. BLG. 4045)
           -ito ay may kinalaman sa pagkontrol sa relasyon ng may-ari ng lupa at nagbubungkal nito.

       REPUBLIC ACT NO. 178
         
             - AN ACT TO AMEND CERTAIN SECTION OF COMMONWEALTH ACT NUMBERED ONE HUNDRED FORTY-SIX, AS AMENDED, OTHERWISE KNOWN AS THE PUBLIC SERVICE ACT, SO AS TO INCREASE THE NUMBER OF COMMISSIONERS IN THE PUBLIC SERVICE COMMISSION AND TO CREATE AN OFFICE TO BE KNOWN AS THE OFFICE OF THE PEOPLE'S COUNSEL IN THE PUBLIC SERVICE COMMISSION


  • NATIONAL RICE AND CORN CORPORATION (NARIC)
              -ang nagtatakda ng presyo ng bigas at mais upang matulungan ang mahihirap na magsasaka at konsyumer.



  •  BATAS REPUBLIKA BLG. 34
        -pagsasaayos ng hatian ng lupa sa pagitan ng may-ari ng lupa at magsasaka.

  • BATAS REPUBLIKA BLG. 55
    -pagbibigay-proteksyon sa di-makatarungang pagpapaalis sa mga magsasaka.


  • BATAS REPUBLIKA BLG. 3844 (Agricultural Land Reform Code)   
         -ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal sa lupas ay itinuturing na tunay na may-ari ng lupa. Inalis din ng batas na ito ang sistemang nagpasimula ng isang malawakang reporma sa lupa.      


SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG SECTOR NG AGRIKULTURA
 
  1. Kakulangan ng sapat na imprastuktura at puhunan

  2. Pagdagsa ng Dayuhang produkto

  3. Mababang presyo ng Produktong Agrikultura


  4. Kakulangan sa Makabagong Kagamitan at Teknolohiya


  5. Implementasyon ng tunay na Reporma sa lupa

  6. Paglaganap Sakit at Peste



SOLUSYON SA MGA SULIRANIN NG SEKTOR NG AGRIKULTURA

   1. Tunay na pagpapatupad ng REPORMA SA LUPA


   
2. Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura


   
3. Pagbibigay ng subsidy sa maliit na magsasaka


   
4. Pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay, at kalsada

   
5. Pagbibigay ng solusyon sa suliranin ng agrikultura

   6. Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya
   
   7. Pagtatag ng kooperatiba at banko rural
 
   8. Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultura na pumasok sa bansa 







-Karamihan sa mga magsasaka ay walang sariling lupang tinatamnan kaya lalong naghihirap ang mga magsasaka. Kung gagawan ng solusyon ng gobyerno ang problemang ito kahit papaano ay makakaluwag ang mga magsasaka. Pagbibigay ng pansin ang kailangan, tulong para sa mga magsasaka. Pagpapatupad ng REPORMA SA LUPA kailangan ding ipatupad para sa mga magsasaka. Pano uunlad ang ekonomiya ng bansa kung hindi binibigyan ng aksyon ang mga problema? Malaki ang natutulong saatin ng magsasaka, sana 'wag natin silang balewalain.-



REFERENCES:
-https://www.slideshare.net/CamilleFong/quirinoroxasmagsaysay
-http://www.batasnatin.com/law-library/civil-law/land-titles-and-deeds/1352-land-registration-act-or-act-496.html
-http://laws.chanrobles.com/republicacts/2_republicacts.php?id=177




Jemie Babes A. Campos
9-Righteousness